-- Advertisements --
DBM

Nakatakdang maisapinal ang pondo para sa 2024 sa ikalawang linggo ng Mayo kung saan bulto ng expenditure program ay inilaan para sa social services sector.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hiniling na ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga ahensiya at tanggapan ng gobyerno para magsumite ng kanilang budget proposal sa katapusan ng buwan.

Sinabi din ng DBM chief na ang piondo para sa susunod na taon ay nakahanay sa eight-point socioeconomic agenda at Pgilippine Development Plan ng gobyerno.

Tinitignan na rin aniya ng gobyerno ang pagpapanatili ng parehong halaga ng spending para sa social services sector na nasa 39% ng pambansang pondo para ngayong taon.

Sa naturang sektor, ayon kay Pangandaman prayoridad ang edukasyon, manpower development kabilang ang pagsasanay ng workforce, sektor ng kalusugan at cash assistance para sa marginalized sector.

Para ngayong taon, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang batas ang P5.268 trillion na pambasang pondo alinsunod sa 2022-2028 medium-term fiscal framework ng gobyerno.