CAUAYAN CITY- Pumasa na sa 1st reading ng Sangguniang Panglunsod ng Ilagan ang panukalang pagpapatayo ng Mental Health Center.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni City Councilor Jay Eveson Diaz, may-akda sa panukala na isinusulong niya ang pagpapatayo ng Mental Health Center dahil sa mga nagaganap na sunod sunod na suicide o pagpapakamatay sa kanilang Lunsod.
Ayon kay City Councilor Diaz, pumasa na sa first reading ang kanyang panukala at tiwala siyang susuportahan pa rin ng mga kasamahang city councilors sa second at third reading . .
Samantala, magkakaroon din sila ng programang yakagin, gabayan, kausapin at pakinggang ilagueñong nangangailangan o YAKAPIN program na magiging bukas sa publiko.
Layunin nitong matugunan ang mga taong nakakaranas ng depresyon o may mental health concern para makabuo ng prevention strategy at maiwasan ang pagpapakamatay ng isang indibidwal.