Dapat ikunsidera ang pagtatayo ng naval facility sa Surigao del Norte para maprotektahan ang malawak na eastern seaboard ng Pilipinas.
Ginawa ni Congressman Robert Ace Barbers ang apela matapos magtayo ang Defense Department ng naval detachment sa Aurora Province para protektahan ang soberenya ng Pilipinas sa Philippine o Benham Rise.
Ayon kay Barbers, ang kanyang lalawigan na Surigao del Norte ay nakaharap sa eastern seaboard o Pacific Ocean kaya may pangangailangan na i-secure at protektahan ang lugar laban sa drug smuggling at mga iligal na dayuhan.
Dahil dito, inaanyayahan ni Barbers at ng kanyang kapatid na si Surigao del Norte Governor Lyndon Barbers ang mga Filipino at American military officials na bisitahin ang kanilang lalawigan bilang posibleng EDCA site.
Pwede anyang magtayo ang US military ng facilities at preposition supplies, equipment at iba pa.
Noong 2016, limang Philippine military installations ang ginawang EDCA sites na kinabibilangan ng Basa Air Base sa Pampanga; Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu at Lumbia Air Base in Cagayan de Oro.
Apat ang nadagdag na EDCA sites na kinabibilangan ng Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Camp Melchor Aquino sa Gamu, Isabela; Balabac Islands sa Palawan at Lal-Lo Airport in Cagayan.