-- Advertisements --

Suportado ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Dangerous Drugs Board, Philippine Commission on Women, Counsel for the Welfare of Children, Philippine Center for Transnational Crime, at iba pang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa panukalang magkaroon ng listahan o registry ng mga sexual offenders.

Ayon sa PNP malaking bagay para sa kanila ang naturang panukala dahil magsisilbi itong monitoring.

Kapwa naman nagpahayag ng alinlangan ang Commission on Human Rights (CHR) at National Privacy Commission sa nasabing panukala na posible may malabag na right to privacy ng mga ilalagay sa listahan.

Ito’y matapos sinimula na ng House Committee on Public Order and Safety ang pagtalakay sa House Bill 2714 at 4241 na kapwa naglalayong bumuo ng listahan ng mga sexual offenders.

Dahil dito, isang technical working group (TWG) ang binuo ng komite para pag-isahin ang inihaing panukala nina Tingog Party-list Representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre at PATROL party-list Representative Jorge Bustos.

Si Misamis Occidental Representative Sancho Oaminal ang itinalagang mamuno sa nasabing Technical Working Group (TWG).

Ayon naman kay Congressman Acidre, ang registry system ay gagamitin para sa monitoring ng mga sexual offender kasunod ng kanilang paglaya upang mabigyang proteksyon ang publiko lalo na ang mga bata.