Isinusulong ng isang Partylist Lawmaker sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng maternity cash benefits ang mga kababaihan na nasa informal sector.
Inihain ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang House Bill 10070 na mabigyan ng maternity cash benefits ang mga nagta trabahong mga nanay na nasa informal economy ng halagang 22 times sa kanilang sa kanilang minimum wage rate sa rehiyon kung saan sila nakatira.
Sinabi ni Yamsuan ang nasabing House Bill ay layong mabigyan ng benepisyo ang mga nagta trabahong nanay na hindi miyembro ng Social Security System (SSS).
Kabilang sa mga magiging benepisyaryo sa nasabing panukalang batas ay mga freelancers, self-employed, home-based workers, mga nagta trabaho sa ilalim ng ‘no-work, no-pay’ arrangement at iba pang mga di kilalang o unregulated employment activities.
Sinabi ni Yamsuan ang mga kababaihan na nagta trabaho at nasa informal sector ay walang nakukuhang anumang social benefits partikular ang maternity benefits.
Sa ngayon kasi ang mga kababaihang miyembro lamang ng SSS ang mayruong maternity leave.
Kaya naniniwala si Yamsuan na panahon na rin para tignan din ang kapakanan ng mga kababaihan na nasa informal sector.
Inihain ni Yamsuan ang panukalang batas nuong nakaraang linggo kasabay ng paggunita ng International Women’s Day nuong March 8.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga manggagawang babae na hindi boluntaryo o regular na miyembro ng SSS ay makakatanggap, sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang beses na direktang maternity cash benefit sa bawat paghahatid na katumbas ng umiiral na minimum wage rate sa kanilang rehiyon ng paninirahan na pinarami ng 22 araw.
Sa sandaling maging batas ang panukala ang isang informal sector worker na nakatira sa Metro Manila kung saan ang umiiral na minimum wage rate ay P610 ay tatanggap ng P13,420 mula sa DSWD pagkatapos manganak.
Ang DSWD ay inatasan sa ilalim ng panukala na tukuyin ang mga kinakailangan at pagiging kwalipikado ng mga benepisyaryo ng maternity cash grant.
Ang mga pondo para ipatupad ang panukala ay kukunin mula sa mga kita mula sa mga excise tax sa mga matatamis na inumin, alkohol, mga produktong tabako at maaaring dagdagan sa ilalim ng General Appropriations Act.