-- Advertisements --
Muling binuhay ng minorya sa Senado ang panukalang payagan na ang pribadong sektor at ang mga lokal na pamahalaan na direktang makabili ng bakuna para sa COVID-19.
Ayon sa minority senators, mapapabilis ng ganitong hakbang ang vaccination roll out sa bansa, kung hahayaan ang iba pang sektor na makatulong.
Sa ilalim kasi ng tripartite agreement, nakasaad na kailangang idaan sa national government ang pagbili ng bakuna ng pribadong sektor.
Sa naturang batas, sasagutin ng gobyerno kung magkaroon ng masamang epekto ang bakuna sa isang tao, maliban na lamang kung resulta iyon ng kapabayaan ng nagturok o iba pang personalidad na may access sa bakuna.