-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa/

Sa botong 195-0-0, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 8990 o An Act Establishing Evacuation Centers in Every City and Municipality, at Appropriating Funds Therefore.

Bukod sa pagtitiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayan tuwing mayroong kalamidad at emergencies, layon din ng panukalang i-decongest ang mga temporary evacuation centers tulad ng mga public schools at iba pang mga pasilidad.

Nakasaad sa panukala ang pagtatag at pananatili ng standard-based relief shelters at mga sites sa Pilipinas, na kadalasang tinatamaan ng mga kalamidad.

Ang kanilang mga lokasyon ay tutukuyin ng Department of Environment and Natural Resources.

Pinapahintulutan din ng panukalang ito ang Department of Public Works and Highways na magtayo ng mga evacuation facilities habang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ang siyang implementer ng batas na ito kapag pormal nang maaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga pasilidad na ito ay kailangan na mayroong minimum amenities tulad ng sleeping quarters, magkakahiwalay na shower at toilet facilities para sa mga babae at lalaki, trash segregation at collection areas, health care areas, rainwater harvesting at collection areas, at ameneties na puwede sa mga may kapangsanan.