Aprubado na ng House Committee on Health ang panukalang batas na bubuo sa isang Center for Disease Control and Prevention sa bansa.
Ayon kay Batanes Representative Ciriaco Gato Jr., Chair ng Komite, itinuturing na isa sa mahahalagang legislation ang CDC Bill na layong palakasin ang kakayanan ng bansa, na tugunan ang health emergencies tulad ng COVID-19.
Sinabi ni Gato, bilang isa itong center for disease, wala dapat pagkakaiba sa communicable o non-communicable na sakit.
Sa kabilang dako, aprubado na rin ng komite kasama ang House Committee on Science and Technology ang substitute bill, para naman sa pagtatatag ng Virology and Vaccines Institute of the Philippines.
Pamamahalaan ng Department of Science and Technology (DOST) ang VVIP, na siyang mangunguna sa pagsasaliksik tungkol sa virus at viral disease sa tao, hayop at halaman gayundin sa pabuo ng gamot at bakuna.