-- Advertisements --

Inaprubahan na ng House Committee on Human Rights ang substitute bill ng panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng mga human rights defenders.

Sa pulong ng komite ngayong araw ng Lunes, inapubrahan ang substitute bill para sa House Bills 15, 161 at 240, o ang Human Rights Defenders’ Protection Act.

Ayon kay Albay Rep. Edcel LAgman, ang pangunahing may-akda ng House Bill 15, ang panukalang batas na ito ay magpapalakas din sa purpose ng ilang ahensya ng pamahalaan pagdating sa pagprotekta sa mga human rights defenders.

Sinabi ni Lagman na ang panukalang batas na kanyang isinusulong ay magbibigay ng kahuluguhan at efficacy nine core international human rights instruments hinggil sa proteksyon at promotion ng human rights.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ng human rights’ defenders protection committee na magpoprotekta sa mga human rights defenders sa anumang intimidation at rprisals.

Ang komite na ito ang siyang aatasan din sa pag-imbestiga sa mga reklamo hinggil sa mga human rights violations kontra mga defenders.