-- Advertisements --
Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na naglalayong palawigin ng dalawang taon ang estate tax amnesty.
Sa virtual hearing ng komite, sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mula 2019 hanggang June 2020 ay aabot lamang sa 23,901 ang nag avail ng Estate Tax Amnesty at Tax Amnesty on Delinquencies.
Sa nasabing panahon, ang kanilang nakolekta mula sa estate tax delinquency ay nasa P3.4 billion lamang, habang P4.75 billion naman sa estate tax.
Ayon sa BIR, malayo ito sa kanilang target na P21 billion para sa tax amnesty on delinquencies at P6 billion naman para sa estate tax.