Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang naglalayong palakasin Sangguniang Kabataan (SK).
Inaprubahan ng Kamara ang House Bill 10698, na naglalayong bigyan ng honoraria at kaukulang certificates of civil service eligibility sa mga principal SK kagawads.
Ayon sa pangunahing may-akada ng panukalang batas na ito na si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda dapat tiyakin na compensated ang efforts ng mga SK kagwad kung talagang nais na i-professionalize ang mga ito.
Iginiit ni Salceda na “very crucial” sa laban kontra COVID-19 ang mga SK kagawads gayong kabilang sila sa mga barangay frontliners na maaring pakilusin para sa ayuda distribution at module distribution.
Sa panukalang batas na ito, na inaasahang maaprubahan sa pinal na pagbasa sa susunod na linggo, nakasaad din na palalawakin ang trabaho ng mga SK kabilang ang skills training, youth employment, environmental protection, values education, at iba pang mga programang may kinalaman sa mga kabataan.