Isinusulong ngayon ni House Committee on Ways and Means committee chairman Joey Sarte Salceda sa Kamara ang panukalang magbibigay ng basic regulatory framework para sa virtual banking.
Iginiit ni Salceda sa paghahain niya ng House Bill 6913 na mapapalakas ang financial inclusion trust na isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagkakaroon ng regulatory framework sa mga virtual banks.
Sa kanyang tantya, maaring tumaas ang share ng virtual-only banking assets sa 2.83 hanggang 4.34 percent ng total assets sa universal at commercial banks.
Bukod dito, maaring lumaki rin sa P903 billion industry ang virtual banking sa bansa sa pamamagitan ng panukalang ito.
Naniniwala ang kongresista na mapapabilis ang rollout ng mga kritikal na anti-poverty measures at makakatulong din sa pagkamit ng inclusive growth goals ng bansa sa pamamagitan ng virtual banking.