-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng House Committee on Ways and Means ang mungkahi maga-amiyenda sa istruktura ng Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni committee chairman Albay Rep. Joey Sarte Salceda na ang layunin ng panukalang masolusyunan ang pagkadismaya ng publiko sa revenue-generating agencies ng pamahalaan partikular na ang BIR at Bureau of Customs.

Ngayong 18th Congress muling susubukan ni Pampanga Rep. Juan Miguel Macapagal-Arroyo ang kapalaran ng House Bill 1201 o proposed National Revenue Act.

Sa lalim ng panukala, magiging trabaho ng itatayong National Revenue Authority ang madagdagan ang kita ng pamahalaan alinsunod sa sinusunod na fiscal policy at revenue collection.

Ito rin ang siyang magiging responsable sa implementasyon ng internal revenue laws.

Iginiit ni Arroyo ang kahalagahan na maipasa ang panukala dahil na rin sa patuloy na paglala ng pagkadismaya ng publiko sa performance at sa issue ng korapsyon sa loob ng BIR.