Lusot na sa House Committee on Trade and Industry ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa mga online consumers at merchants sa pamamagitan nang itatatag na Electronic Commerce Bureau.
Hangad ng revised substitute bill ng House Bill No. 6122 na inihain ng chairman ng komite na si Valenzuela Rep. Wes Gatchalian na i-regulate ang lahat ng business-to-business at business-to-consumer commercial transactions na isinasagawa online.
Pero hindi naman sakop sa panukalang ito ang consumer-to-consumer transactions, o iyong kinukonsidera bilang “petty, one-off, or occasional low value transactions.”
Kapag maging ganap na batas, mas hihigpitan pa ang panuntunan na sinusunod ng mga online platforms, kabilang na ang Lazada, Shopee, at Zalora.
Nais ding gawin ng panukalang ito na iligal ang pagkansela ng order ng pagkain at/o grocery items sa pamamagitan ng mga ride hailing service kung nabayaran na ang mga ito ng ride hailing service partner o kapag in transit na sa consumer.
Maari lamang magkansela ng order kapag delayed ng isang oras sa inaasahang time of arrival ang delivery nito.
Magiging iligal na rin pamamahiya o pambabastos sa mga ride hailing service partners.
Ayon kay Gatchalian, ang eCommerce Bureau ang siyang tatayong “central authority” na maaring lapitan ng mga consumers at merchants kapag magkaproblema sa online transactions.
“This Trustmark will represent safety and security in internet transactions which will ultimately build consumer confidence and lead to a robust growth of the internet economy. As consumers, you will want to deal with entities which have been given this seal of approval. As a merchant, you would want to have this Trustmark on your website so that your consumers can transact with peace of mind,” ani Gatchalian.