Ipinaliwanag ni Department of Education (DepEd) spokesperson Undersecretary Michael Poa na factual-based ang panukalang isama sa draft ng K-10 curriculum ang mga isyu gaya ng sa West Philippine Sea at karapatang pantao.
Ayon kay Poa na layunin nito na magabayan ang mga mag-aaral sa mga konsepto na kanilang naririnig sa mga balita at sa kanilang paligid.
Nilinaw din ng DepEd official ang ilan sa mga kasalukuyang isyu na maaaring magpalala mula sa mga sangkot na bansa.
Aniya, layon lamang nito ng pagsasama ng naturang mga paksa na mapataas ang kamalayan ng mga mag-aaral pagdating sa mga kinakaharap na isyu ng ating bansa.
Katulad na lamang halimbawa ng usapin sa red-tagging dahil madalas itong naririnig sa mga balita at kanilang surroundings kayat mas mainam na maituro sa kanila ito sa mga paaralan nang hindi nagiging bias sa partikular na mga isyu.
Sa ngayon, ayon kay Poa isinasapinal pa ang draft ng naturang curriculum.
Kabilang sa mga pinag-aaralan ngayon ng DepEd ay ang pagsasama sa mga paksa may kinalaman sa West Philippine Sea dispute, mga isyu sa LGBTQ at human rights sa social studies curriculum sa senior high school.
Batay sa draft ng K-10 curriculum para sa asignaturang Araling Panlipunan, ang mga nabanggit na paksa ay inirekomendang talakayon sa ilalim ng contemporary issues at social challenges sa Grade 10.