-- Advertisements --

Isusulong ng ilang kongresista sa 18th Congress ang panukalang batas na magdedeklara sa mga water concessionaires blang public utility.

Sinabi ni Party-list Coaltion secretary-general Bernadette Herrera-Dy na dahil mabagal o walang ginawgawa ang mga regulators, ihahain daw nila sa 18th Congress ang panukalang batas na maglalaman ng detalye ng kanilang magiging regulatory powers.

Iginiit ni Herrera-Dy na matagal na dapat idineklarang public utility ang mga water concessionares.

Ngayong makakaranas muli ng water service interruptions ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa water shortage, marapat lamang ayon sa kongresista na panghimasukan na ito ng pamahalaan.

“It is now time to clean up the mess and among the areas we shall focus on is declaring the water concessionares as public utilities,” ani Herrera-Dy.

Maliban sa mga water concessionares, aalamin din daw nila kung magiging subject din sa public utility classification ang ilang electric cooperatives dahil sa madalas ding nararanasang blackouts sa ilang bahagi ng bansa.

Dapat na rin aniyang tingnan kung kailangan na rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik ang rate of return base (RORB) sa maximum na 12 percent.