-- Advertisements --

Posibleng matalakay na ngayong linggo at maaprubahan sa plenaryo ng House of Representatives sa third and final reading ang panukalang i-revoke ang prangkisa ng SMNI.

Ayon sa may akda ng panukalang batas na si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, posibleng ngayong linggo ito matalakay, subalit hindi niya masabi kung anong araw.

Kumpiyansa naman si Gutierrez na agad ito maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa.

Nuong nakaraang linggo inaprubahan na sa plenaryo sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala.

Sa panig naman ni Deputy Speaker Jay Jay Suarez kaniyang sinabi na kuntento siya sa naging takbo ng pagdinig ng Committee on Legislative Franchises sa pangunguna ni Rep. Gus Tambunting.

Sinabi ni Suarez ang pagdinig sa prangkisa ng SMNI ay maituturing na matagal na umabot ng apat na buwan.

Ito ay dahil sa kabaitan na ipinakita ng Komite.

Sabi ni Suarez na hindi napatunayan ng SMNI na wala sila nilabag sa probisyon ng kanilang prangkisa.

Sa kabilang dako, inihayag ni Gutierrez na nakabinbin pa ngayon ang detention order para kay Pastor Apollo Quiboloy ito’y matapos nakiusap si Atty. Ferdinand Topacio sa komite na i-defer muna ito.

Gayunpaman nakahanda na ang detention facility sa Kamara para kay Quiboloy.