-- Advertisements --

Lusot na sa bicameral conference committee ang consolidated version ng panukalang Comprehensive Values Act, na nag-oobliga sa mga paaralan na gawing bahagi nang pag-aaral ng mga estudyante sa elementary at high school ang good manners and right conduct (GMRC).

Pinagsama-sama ng mga senador at kongresista ang kanikanilang bersyon para gawing mandatory sa ilalim ng K-12 curriculum ang asignatura na GMRC.

Sa ilalim ng Senate Bill 1224, ituturo ang GMRC sa elemtary at high school students sa loob ng isang oras kada araw.

Pagdating naman sa mga kindergarten pupils ay isasama na lamang ang GMRC sa kanilang mga learning activities.

Sa ilalim ng K-12 curriculum ngayon, tinanggal ang GMRC bilang regular subject at isinama na lamang sa iba pang asignatura kabilang na ang Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan.

Dito ay itinuturo na lamang ang values education sa loob ng 30 minuto kada araw sa primary education at isang oras sa dalawang beses kada linggo sa secondary education.