Pinag-aaralan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang panukalang pagtatayo ng elevated walkway at lane para sa mga bisikleta sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay NEDA Usec. Benny Reinoso, agad sisimulan sa susunod na taon ang konstruksyon kapag naaprubahan ang review sa panukalang proyekto.

Dati ng inanunsyo ng Asian Development Bank (ADB) ang kahandaan nitong magpautang ng $100-milyon o P5-bilyon sa gobyerno ng Pilipinas para sa elevated walkway project.

Sa ilalim ng proyekto, target magkaroon ng walkway malapit sa mga estasyon ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit sa Pasay, Makati, at Quezon City.