-- Advertisements --

Umusad na sa Senado ang panukala ni Senate President Vicente Sotto III para sa pagbuo ng ‘economic stimulus strategy’ para mabawasan ang COVID-19 pandemic impact.

Binigyaang-diin ni Sotto na kailangan ng gobyerno ng ‘premium’ sa muling pagbuo ng ekonomiya sa oras na paluwagin na ang mga paghihigpit na ipinapatupad.

Nakasaad sa panukala na dapat magkaroon ng stimulus program para maibalik ang economic growth, magkaroon ng dagdag pang trabaho at mapalawag ang productive capacity ng bansa.

Nakapaloob din dito ang mandatory mass testing parasa COVID-19, wage subsidiy sa mga non-essential business, freelancer, self-employeed at repatriated OFWS; pagpapalawak ng Tertiary Education subsidy at iba pa.