Naniniwala ang author ng panukalang batas na dagdagan ng limang araw para gawing 10 araw ang service incentive leave ng mga empleyado na magiging beneficial ito sa mga employees.
Kasunod na rin ito ng pagkakapasa sa ikatlong pagbasa ng bill na nagtataas sa mandatory yearly service incentive leave (SIL) para sa mga workers mula lima sa 10 araw.
Ang House Bill 988, ay inakda ni Baguio City Representative Mark Go ay umani ng 273 yes votes, zero no votes at zero abstentions sa isinagawang plenary session.
Sa ilalim ng naturang panukalang batas, ang 10 service incentive leave days ay kailangang ipagkaloob sa bawat employee na na-employ ng kahit isang taon sa pinagtatrabahuan nito.
Naniniwala si Go na sa pamamagitan ng kanyang panukalang batas ay magiging daan para mapataas ang morale at satisfaction ng mga employees.
Maliban dito, sa pamamagitan daw ng leave credits ay mapapababa rin ang risk o panganib sa health at safety issues na posibleng magiging mas magastos pa sa mga employees at employers.