-- Advertisements --

Aprubado na ng mga senador sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpapalawig sa paggamit ng estate tax amnesty program ng gobyerno hanggang sa kalagitnaan ng taong 2025.

Sa botong 24-0, inaprubahan ng mga mambabatas ang senate bill 2219 na, kung magiging ganap na batas, ay aamyendahan ang Republic Act 11213 o ang Tax Amnesty Act.

Pahihintulutan ng panukala ang mga hindi pa bayad sa kanilang Estate Taxes o naipon noong mayo 31, 2022, na mag-avail ng amnesty program hanggang Hunyo 14, 2025, isang extension mula sa orihinal na deadline ng Hunyo 14 2023.

Dagdag pa, ang tagapangasiwa ng ari-arian na mag-a-avail sa amnesty program ay maaaring mag-file electronically o manually.

Samantala, ang mga legal na tagapagmana, transferees at beneficiaries naman ay maaari ding gawin ito kung walang itinalagang executor or administrator upsang magamit nila ang mga ari-arian at assets na minana nila sa kanilang mga namatay na kamag-anak.