-- Advertisements --

Isa sa 10 House Bills o panukalang batas na inihain ni Presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang House Bill No. 8 na nagbibigay ng free legal assistance for police and soldiers.

Layon ng neophyte na mambabatas na bigyang legal aid ang ating mga law enforcers at security forces na nahaharap sa iba’t ibang kaso dahil sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas.

Sa pagbubukas ng 19th Congress umaasa ang mambabatas na agad matalakay ang kaniyang mga panukalang batas na kaniyang inihain.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay newly installed AFP spokesperson Col. Medel Aguilar kaniyang sinabi ng malaking tulong at bagay ito sa kanilang organisasyon.

Sinabi ni Col. Aguilar na sa tuwing sila ay may rerespondehan may mga legal issues silang dapat tugunan lalo na ngayon at agresibo ang militar sa pakikipaglaban sa insurgency.

Nagpasalamat naman ang AFP sa naging hakbang ni Cong. Marcos na sila ay matulungan sa pamamagitan ng legal aid.

Gayunpaman binigyang-diin ni Col Aguilar na sana hindi lang ito basta magiging batas kundi ang tiyak na commitment ng mga lawyers o abogado.

Umaasa si Aguilar na ang nasabing batas ay magbibigay ng mekanismo na ang batas ay maipapatupad.

Dagdag pa ni Col. Aguilar, tiwala siya sa pagkakaroon ng mabuting puso ng mga abogado na sila ay tulungan na kahit walang batas na umiiral.

Gayunpaman ang House Bill No. 8 na inihain ni Rep Marcos ay mag institute ng mechanism na kanilang kailangan para maging maayos ang implementasyon.