-- Advertisements --
image 115

Isinusulong ngayon ni AGRI Party Rep. Wilbert T. Lee sa 19th Congress ang House Bill No. 2420 o ang
“Agriculture Pension Act”.

Layunin ng panukalang batas na magkaroon ng isang pension at social security benefit ang mga Pilipinong magsasaka at mangingisda sa bansa

Sa pamamagitan ng panukalang batas, target na magarantiyahan ng steady source of income upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa pang-araw-araw sa oras na sila ay tumanda na o nagretiro.

Saklaw sa mga benepisyo na matatanggap ng mga magsaaka at mangingisda sakaling ito ay maisabata ang sickness benefits, maternity, disability, retirement, death, at funeral benefits.

Gayundin ang proposed pension scheme ay saklaw din ang package benefits sa ilalim ng umiiral na security program ng Social Security System (SSS) at relevant programs ng Department of Agriculture (DA) at attached agency ng DA na Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Ang PICC at SSS ang siyang magiging primary implementing agencies ng mga probisyon ng “Agriculture Pension Act”.

Ang pondo na gagamitin para sa insiyal na implementasyon ng naturang panukalang batas ay magmumula sa savings ng gobyerno at ang pondo para maipagpatuloy ang naturang programa ay kukunin mula sa 10% ng kabuuang annual duties na nakolekta mula sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura.

Nabatid na ang mga mangingisda at magsasaka sa bansa ang pinakamataas na bilang ng mahihirap mula sa pangunahing mga sektor noong 2018 kung saan ang mga farm workers ay sumasahod ng average daily wage na P331.10 noong 2019, ito ang pinakamababang arawang sahod kumpara sa mga manggagawa sa industriya at service sectors.