Kumpiyansa ang Department of Budget and Management (DBM) na maihahain nila sa Kongreso ang P4.1 trillion na panukalang national budget para sa taong 2020 bago ang deadline na Agosto 21.
Nitong Agosto 5, nanumpa kay Pangulong Rodrigo Duterte si dating Davao City administrator Atty. Wendel Avisado bilang bagong Budget secretary.
Sa pahayag na inilabas ng DBM, sinabi ng kagawaran na isinasapinal na nito ang nilalaman ng panukalang budget, gayundin na inihahanda nila ang mga kailangang dokumento para rito.
Pinakamalaking bahagi ng panukalang national budget umano ay mapupunta sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works amd Highways (DPWH).
Kasali rin sa mga ahensya ng gobyerno na may malaking pondong matatanggap ang Department of Transportation (DOTr) at Department of Health (DOH).
Ayon kay Presidential spokesperson Sec. Salvador Panelo, tiyak na masusi ang ginawang pagbalangkas ng DBM sa panukalang 2020 national budget.
Sinisuguro ng tagapagsalita ng pangulo na naging prayoridad sa allotment ang mayorya ngpubliko, gayundin ang mga pagkukulang pa ng pamahalaan sa pag-angat ng ekonomiya at kalidad ng buhay ng bawat Pilipino.