Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na job seekers sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento o pagtanggal ng fees ng kanilang pagkuha sa pre-employment documents sa mga ahensiya ng gobyerno.
Sa isinagawang sesyon nitong Lunes, bumoto ng pabor ang nasa 270 mambabatas habang wala naman ang tumutol o nag-abstain sa House Bill (HB) No. 8008.
Sa ilalim ng panukalang batas, maaaringbmakapag-avail ng 20 discount sa documentary requirementa ang mga manggagawa na matutukoy na indigents o isang indibidwal na naglalayong magkaroon ng trabaho subalit walang visible means of income o may mas mababa sa official poverty threshold na income na tinukoy ng National Economic and Development Authority.
Kabilang sa mga requirements na ito ay ang
barangay clearance, National Bureau of Investigation (NBI) clearance, Police Clearance,
Medical certificate para sa local at foreign employment , Certificate of marriage , Borth certificate, at iba pa.
Habang amg mga dokumento naman na matatanggal ang fees para sa indigent job seekers ay Tax Identification Number muka sa Bureau of Internal Revenue, Transcript of Records, Transfer Credentials, Authenticated Copy of Diploma, and Certificate of Good Moral Character from the State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges of the job seeker
Ayon sa panukalang batas, ang PSA ang mamamahala sa pag-validate ng listahan ng mga household sa ilalim ng Listahan ng Department of Social Welfare and Development. Gayundin,awtomatikong makikinabang sa panukala kung maisasabatas ang isang naghahanap ng trabaho na ang pamilya ay naka-enrol sa ilalim ng pitong taong conditional cash transfer program o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).