Pinayuhan ni 1-Sambayan convenor, Atty. Howard Calleja, si Sen. Ribonhood Padilla na magreview ng batas at mga kaso, bilang paggalang sa kaniyang kasalukuyang posisyon bilang mambabatas.
Ginawa ng abogado ang pahayag kasunod ng apela ng senador sa Senate impeachment court na payagang mag-obserba sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada sa umuusad na impeachment trial.
Ang dalawang senador ay kasalukuyang nahaharap sa kasong plunder kung saan nakakulong sa Payatas si Estrada habang nasa Philippine National Police (PNP) Gen. Hospital naman si Marcoleta.
Ayon kay Calleja, dapat ay pag-aralan muna ng senador ang itinatakda ng batas at hindi lamang nagpapanukala ng anumang posisyon o nagbibigay ng mga ‘populist’ recommendation.
Madali aniyang magrekomenda ngunit kailangan ding unawain ni Padilla na ang dalawang senador ay parehong suspendido dahil sa kanilang kinakaharap na plunder cases.
Hindi aniya dapat payagang makibahagi ang mga suspended senator sa proceedings o payagang mag-obserba at maghayag ng kanilang observation sa umuusad na trial.
Dati na aniyang hindi pinapayagang makibahagi sa proceedings ang mga suspended senator sa mga panahong nakulong sina dating Sen. Leila De Lima, Antonio Trillanes, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, at iba pa, kaya’t hindi kailangang baguhin ang panuntunan o batas para lamang i-accommodate sina Estrada at Marcoleta.
Giit ng batikang abogado, wala dapat exemption, sinuman ang nakaupo o suspendidong senador.














