Hindi dapat na ipanukula ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihiwalay sa Mindanao mula sa Pilipinas dahil sa posibleng idulot nitong gulo.
Ito ang naging tugon ni House Deputy Minority leader France Castro sa isang virtual press conference ng mga miyembro ng Act Teachers Party List ngayong araw.
Ayon pa sa mambabatas, may pagkakataon noon si Duterte na gawin ang planong ito noong kaniyang termino pa bilang pangulo mula 2016 hanggang 2022 subalit hindi naman nito ginawa.
Sa katunayan aniya, ayon sa sinasabi umano ng iba parang naguudyok ng rebelyon ang sinasabi ni dating Pang. duterte at ito aniya ay labag sa Konstitusyon.
Saad pa ng mambabatas na kung sa termino niya noon na may nagpanukala na ihiwalay ang Mindanao mula sa nalalabing lugar ng Pilipinas ay baka pinaaresto na umano ng dating Pangulo.