-- Advertisements --

Posibleng malabo ng mangyari pa ang panukalang joint military exercises ng China sa Pilipinas sa gitna ng umiigting na tensiyon sa West Philippine Sea ayon kay Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner.

Sa kabila nito, magpapatuloy naman ang military drills sa ibang mga bansa na itinuturing ng Pilipinas na partners nito gaya ng US, Japan at Canada.

Inihayag din ng AFP chief na kailangang ipaalam sa buong mundo ang nangyayari sa pinagtatalunang karagatan dahil sa naggong matagumpay ang bansa sa pagsisiwalat ng ng mga ginagawang coercive at mapanganib na taktika ng China.

Matatandaan na noong Hulyo nang ianunsiyo ng AFP chief na inalok ng China na magsagawa ng joint military drills kasama ang PH.

Subalit sinabi naman ng National Task Force on the West PH Sea na walang visiting forces agreement ang PH at China upang masaklaw ang naturamg joint maritime exercises sa pagitan ng dalawang bansa.