-- Advertisements --

Hahatiin sa tatlong distrito ang ikalawang legislative district ng Rizal kasabay nang paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon.

Ito ay sa ilalim na rin nang nilagdaang Republic Act (R.A.) No. 11533 or “An Act Reappropriating the Second Legislative District of the Province of Rizal Into Three Legislative Districts” ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 25.

Sa ilalim ng nasabing batas, magiging epektibo ang tatlong legislative district ng Rizal para sa 2022 national at local elections.

Nakasaad din dito ang sa ikalawang distrito ng Rizal ay mananatili pa rin ang munisipalidad ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-Jala, Pililla, at Teresa.

Ang munisipalidad naman ng San Mateo ay makakasama sa third legislative district habang ang Rodriguez naman ay sa ika-apat na legislative district.

Maglalabas naman ang Commission on Elections (Comelec) ng implementing rules and regulations sa loob ng 30 araw makaraang maisapatupad ang batas.

Umaasa naman si Senator Francis Tolentino na sa pamamagitan ng panukala na ito ay matutulungan ang lokal na pamahalaan ng Rizal na makipagtulungan sa mga nangangailangan at ayusin ang long-term rehabilitation ng lungsod.