-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Iminungkahi ng Chairman ng Isabela Anti-Crime Task Force (IACTF) na gagawin nang pare-pareho o pantay-pantay ang matatanggap na sahod ng mga barangay tanod sa buong Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng IACTF Chairman Ysmael Atienza na layunin ng kanyang hakbang na maglilingkod ng tamang panahon at tamang oras ang mga barangay tanod batay sa kanilang sahod.

Sa ngayon ay hindi pantay-pantay ang pagbibigay ng sahod sa mga barangay tanod dahil nakabatay ito kung first class, second class o third class ang isang munisipyo o lunsod.

Aniya, malaking tulong sa mga barangay tanod ang ibinibigay na sampong kilo na bigas kada buwan ng pamahaalaang panlalawigan na nagsimula ngayong buwan ng Enero.

Samantala, hinihintay pa niya ang lagda ng isang opisyal upang maaprubahan na ang kanyang mungkahing buhayin ang Isabela Voluntreers Against Crime (IVAC) sa Cauayan City.

Malaking tulong ito sa pulisya upang masugpo ang anumang krimen na mangyayari sa Lunsod.

Sila rin ang magsisilbing pinakamata ng mga otoridad sa mga nangyayari sa komunidad.