Muling itinutulak sa Kamara para maisabatas ang “Pantawid Pasada Fuel Program.”
Layon nito upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang ayuda para sa sektor ng transportasyon.
Ang House Bill 221 ay inihain nina Rep. Mikaela Angela Suansing at Rep. Horacio Suansing.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, nais ng mga may-akda na maging batas ang “Public ransport Assistance Program” o ang Pantawid Pasada ng gobyerno, na nasa ilalim ng Executive Order no. 32 series of 2011.
Batay sa explanatory note ng mga author, hindi pa man nakakabanagon ng husto ang sektor ng transportasyon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic, naapektuha naman sila mataas na halaga ng produktong langis na bunga ng tensyon ng Russia at Ukraine.
At bagama’t may dagdag-pasahe sa pampublikong jeepney, mataas pa rin ang presyo ng diesel kaya maliit pa rin ang kita ng mga tsuper.
Kaya naman sa panukala, isinusulong na magkaloob ng “cash assistance” sa mga kwalipikadong drayber at operators ng Public Utility Vehicles o PUVs, gaya ng jeepney, bus, taxi, vans for hire, multicab, tricycles at motor taxis.
Kapag naging ganap na batas, ang pondo para sa Pantawid Pasada ay magmumula sa koleksyon ng pamahalaan ng “excise tax” sa langis.
Pagdating sa halaga ng subsidiya, ang mga benepisyaryo ay makatatanggap ng “one-time subsidy kada taon.
P7,500 hanggang P10,000 ang ipagkakaloob sa bus operators at drivers; habang nasa P5,000 hanggang P7,500 naman para sa mga tax at van for hire, gayundin sa para sa tsuper at operators ng jeepneys at multicab. Kapag naman tricyle at motorcycle tax, nasa P3,000 hanggang P5,000 ang subsidiya.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang tutukoy sa mga benepisyaryo at maglalatag ng criteria. Hindi naman pasok sa cash subsidies ang mga operator na ang fleet ay mayroong higit sa limang units.