Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng pansamantalang pagbabawal sa mga truck na dumaan sa may Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila simula sa Nobiyembre.
Paliwanag ni MMDA Chairman Carlo Dimayuga III, ito ay may kaugnayan sa nagpapatuloy na pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kalsada sa harapan ng US Embassy.
Kabilang din sa temporary ban ang mga trucks at trailers na may gross capacity na tumitinbang ng mahigit 4,500 kilos.
Magtatagal ang ipapatupad na ban hanggang sa makumpleto ang road repair.
Nagbigay naman ng abiso ang MMDA sa maaaring alternatibong mga ruta para sa trucks.
Mula sa SLEX patungong Port Area, maaaring dumaan sa South Luzon Expressway diretso sa Osmeña Highway patungong Pres. Quirino Avenue, kumaliwa sa Plaza Dilao patungong Pres. Quirino Ext., kumaliwa sa U.N Avenue, kumanan sa Romualdez, kumaliwa sa Ayala Avenue/P. Burgos Avenue, sa kumanan sa Bonifacio Drive patungo sa destinasyon.
Kapag mula naman sa Port Area patungo sa SLEX, maaring dumaan mual sa Bonifacio Drive, pakaliwa sa P. Burgos/Ayala Blvd. kumanan sa San Marcelino, kumaliwa sa Pres. Quirino Avenue sa lumiko pakanan sa Pres. Osmeña highway patungong SLEX.