
Aprubado na ng commission on elections ang ipinatupad na pansamantalang rigodon sa ilang tauhan ng pambansang pulisya na may koneksyon, at kamag-anak na mga tatakbong kandidato para sa darating barangay at sangguniang kabataan elections.
Ayon kay pnp public information office chief pcol jean fajardo ito ay matapos ang pakikipag-ugnayan na kapulisan sa commission on elections pahinggil sa direktibang ito ni pnp chief pgen benjamin acorda jr.
Dahil dito ay tuluyan nang inisyuhan ng pambansang pulisya ng reassignment order ang naturang mga police personnel at itinalaga sa mga non-election related duties hanggang sa pagtatapos ng panahon ng halalan.
Ito ay upang matiyak na hindi maiimpluwensyahan ang kapulisan at ang halalaan para sa baranggay at sangguniang kabataan.
Kung maaalala, una nang iniulat ng pnp na aabot sa 2,956 na mga pulis ang mayroong kamag-anak hanggang 4th degree of consanguity na tatakbo sa bske 2023.
Matatandaan ding una nang ni-recall ng pnp ang nasa 679 na mga pulis na naka assign bilang security ng mga incumbent public officials at private individuals.
Kaugnay nito ay muling tiniyak ni pnp chief acorda na patuloy na itataguyod ng kapulisan ang isang mapayapa at matapat na halalan kasabay ng pagbibigay diin sa kahalagahan ng pagpapanitili sa propesyunalismo at impartiality sa loob ng election period sa buong hanay ng kapulisan.















