-- Advertisements --
bureau of treasury

Bahagyan bumaba ang utang ng gobyerno ng PH sa unang 9 na buwan ng 2023 ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Mula Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, nasa kabuuang P1.782 trillion ang kabuuang gross financing ng pamahalaan. Ito ay 2% na mas mababa kumpara sa naitala sa parehong period noong nakalipas na taon na nasa P1.824 trillion.

Ito ay bunsod na rin ng 7% na pagbaba sa panloob na utang ng gobyerno mula sa P1.478 trillion sa P1.376 trillion noong Setyembre.

Sa kabilang banda naman, nakapagtala naman ng pagtaas sa panlabas na utang ang pamahalaan na nasa 175, tumaas ito mula sa P345.66 billion sa unang 3 quarter ng 2-22 sa P405.74 biliion.

Noong setyembre, nakapalikom ang pamahalaan ng P163.61 billion sa pamamagitan ng pagbebenta ng global bonds.