-- Advertisements --
Itinanggi ng Philippine Ports Authority (PPA) na mayroong silang inatasan na maningil ng P20 bilang service fee sa mga pasahero ng Matnog Port sa Sorsogon.
Ayon sa PPA na ang nasaibng paniningil ay hindi otorisado at isang uri ng fixing.
Para mapabilis ang pagproseso ng mga terminal, ferry at LGU fee ay mayroon silang inilagay na One-Stop-Shop (OSS) sa labas mismo ng pantalan.
Nagpasa rin ng resolusyon ang pamahalaan ng Sorsogon ng pagpigil ng nasabing paninigil sa Matnog Port.