-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpapatuloy ang isa na namang yugto ng Dugong Bombo 2020.

Ito ay sa sa pakikigpagtulungan ng local government unit ng Lemery, Iloilo at Bombo Radyo Philippines.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lemery, Iloilo Mayor Oscar Villegas Jr., sinabi nito na labis ang kanyang kagalakan na ngayong taon ay naging magkatuwang ang kanilang bayan at Bombo Radyo Philippines sa nasabing bloodletting activity.

Umaasa naman si Villegas na magiging matagumpay ang aktibidad na isinasagawa sa covered gym ng Barangay Poblacion South sa nasabing bayan.

Tiniyak ni Villegas na masunod ang proper health protocol sa event.