-- Advertisements --

Inaasahan ang pagbaba ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtatantiya, bababa ng P0.50 hanggang P0.80 kada litro ang gasolina. 

Ang diesel naman ay inaasahang bababa ng P0.20 hanggang P0.50 kada litro. 

Ang kerosene naman ay tinatantyang bababa ng P0.20 hanggang P0.45 kada litro. 

Pero ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, naka-depende pa raw sa trading na magaganap kung magkano ang ibababa ng presyo nito..

Ang rollback ng produktong petrolyo ay dahil sa fluctuating demand ng China at US. 

Inaasahang sa Lunes pa iaanunsiyo ng mga oil company ang price adjustments.