-- Advertisements --

Asahan ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong langis sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na mayroong naganap na pagtaas sa nakaraang apat na araw na trading.

Posibleng maglaro ng P1.00 hanggang P1.30 ang itataas sa kada litro ng diesel habang mayroong P0.80 hanggang P1.10 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Itinuturong sanhi ng panibagong pagtaas ay ang pag-anunsiyo ng Saudi Arabia ng pagbawas ng output sa target nila na magiging epektibo sa Hulyo 1.