-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Asahan ng mga motorista ang panibago nanamang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, tinatayang magkakaroon ng rollback na P1 hanggang P1.20 sa kada litro ng diesel, P1.20 hnggang P1.44 kada litro naman sa gasolina at P1 hanggang P1.10 kada litro naman sa kerosene.

Base ito sa oil trading sa international market sa nakalipas na apat na araw.

Iniugnay naman ng DOE official ang inaasahang rollback sa lumalalim pa na pangamba sa economic slowdown at mas malakas na halaga ng dolyar.

Inaasahang iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang presyo ng mga produktong petrolyo sa araw ng Lunes at magiging epektibo ito sa araw ng Martes.