Inalmahan ni Sen. JV Ejercito at tinawag na bullying ang pagbubuntot ng isang barko ng China Coast Guard (CCG) vessel sa dalawang Philippine Coast Guard (PCG) vessels, patungong Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).
Sa record ng United States-based Security Monitoring Group, hindi ito ang unang pagkakataon na binuntutan ng Chinese counterparts ang sasakyang pandagat ng PCG na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Bago ito, noong linggo ay nagtungo ang BRP Malapascua at BRP Malabrigo sa Ayungin Shoal pero binuntutan ito ng Chinese-flagged vessel na dati nang nasa area.
Sinasabing pumosisyon umano ang dalawang barko ng PCG sa east side ng Ayungin habang pumorma naman ang CCG vessel para harangan ang anumang pagtatangka na makapasok sa shoal.
nabatid na tumigil ang Malapascua at Malabrigo sa labas ng shoal, sa layung isang kilometro mula sa Sierra Madre na nasa loob din ng reef area.