-- Advertisements --
gas station oil fuel price crude

Asahan na ang muling pagtaas ng presyo ng mga produktong pretrolyo ngayong linggo, batay sa pahayag ng Department of Energy.

Sa inisyal na pagtaya, maaaring tataas ng P1.20 hanggang P1.50 ang kada litro ng Diesel.

Ang Gasoline naman ay inaasahang tataas ng P0.90 hanggang P1.10 per liter, habang ang Kerosene ay naglalaro sa P.20 hanggang P1.40 kada litro.

Nitong nakalipas na linggo ay una nang tumaas ang presyo sa kada litro ng Gasolina mula P0.40 hanggang P0.70 kada litro.

Tinapyasan naman ang kada litrong presyo ng Diesel mula P0.90 hanggang P1.20, kasama na sa Kerosene na bumaba ng hanggang P1.00 kada litro.

Ngayong araw naman malalaman ang kabuuan ng itataas sa presyo ng Petrolyo habang kadalasang ipinapatupad ito kinabukasan, araw ng Martes.