-- Advertisements --

Mariing pinabulaanan ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng na nagbitiw umano siya sa puwesto “out of delicadeza,” at iginiit na hindi siya nag-resign bago ilabas ng Malacañang ang anunsyo.

Sa isang panayam  kay Bersamin sinabi nito na ang tanging dokumentong ipinasa niya ay ang liham na nilagdaan lamang niya kamakalawa ng hapon, kung saan sinabi niya na “I bow to the prerogative of the President” at tinatanggap niya ang pagpapalit sa kanya bilang Executive Secretary.

Sinabi ni Bersamin na masarap pakinggan ‘yung ‘out of delicadeza,’ pero hindi totoo ‘yan hindi ako nag-resign.

Dagdag niya, ang tenure niya bilang ES ay “at the pleasure of the President,” at handa siyang umalis anumang oras na ipag-utos ng Pangulo.

Tinuligsa rin ni Bersamin ang timing ng anunsyo ng PCO, na lumabas noong Nobyembre 17, isang araw bago niya lagdaan ang kanyang liham.

Sinabi niyang hindi siya kinonsulta bago inilabas ang pahayag.

Aminado siyang “medyo nasaktan” siya, pero aniya, hindi na niya uubusin ang oras para doon dahil maaaring may maling impresyon lamang ang PCO.

Mariing itinanggi ni dating ES LucasBersamin ang anumang kaalaman o partisipasyon sa kontrobersiyang may kinalaman sa umano’y P52 bilyong budget insertions.

Giit nito na wala siyang alam dahil ang Office of the Executive Secretary, ay hindi nakikialam sa insertions o budget ng ibang ahensiya dahil hindi ito ang kanilang trabaho.

Tumanggi namang sagutin ni Bersamin ang tanong kung ginagamit lamang siyang bilang “scapegoat.”

Hinamon ni dating ang mga kumakalakad ng kanyang pangalan sa isyu na magsampa ng kaso kung may. hawak na matibay na ebidensya laban sa kanya.

Pagtiyak ni Bersamin handa siyang humarap at sagutin ang mga akusasyon at linisin ang kanyang pangalan kapag may nagdemanda laban sa kanya.

Walang balak din si Bersamin na humarap sa imbestigasyon ayaw niyang may ibang tao pa ang masira ang buhay.

Ayon kay Bersamin, wala na siyang kontrol sa mga batikos sa kanya sa social media, kaya mas mabuting iharap at patunayan sa korte ang mga akusasyon, kung mayroong maipe-presentang matibay na ebidensya.

Aniya, matagal siyang naglingkod bilang hukom at dating Chief Justice nang walang bahid na iskandalo, at hindi niya papayagang masira ang kanyang pangalan dahil sa tsismis.

Itinuturo din sa kontrobersiya ang kanyang kamag-anak na si Usec. Adrian Bersamin, na ayon sa dating ES ay “parang apo” niya.

Pagtiyak ni Bersamin kung mayruon umanong ebidensiya si Sen. Lacson laban kay Usec. Adrian ay kaniya itong rerespetuhin.

Dagdag niya, ang mga ganitong paratang ay dapat mapatunayan sa korte, at dapat maghinay-hinay sa social media upang hindi masira ang reputasyon ng mga tao.