-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa ang panibagong pag-atake sa mga police security forces sa Maguindanao na ikinasawi ng isang police officer, isang sibilyan at pagkakasugat ng apat na pulis.

Sa report ng PNP-Bangsamoro Autonomous Region na ipinadala sa Camp Crame, nasawi sa pagsabog si Police Master Sergeant Antonio Balasa habang naka-duty ito.

Patay din sa insidente ang sibilyan na nakilalang si Bobby.

Nangyari ang pagsabog sa may Barangay Mother Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao.

“I offer my deepest condolences on behalf of the whole PNP family to the family of PMSg Balasa. Let me assure his family that will get the full benefits and financial assistance as well as the other four wounded officers who are recovering in two different hospitals in the region,” pahayag ni Gamboa.

Kinilala ni Gamboa ang apat na sugatang police officers na sina PSSG Larry Amoran, PSSG Guerrero Domingo, PCPls Guia Mangrag, at P/Cpl. Clyde Peria.

Naka-confine na sa Maguindanao Provincial Hospital ang tatlong pulis habang inilipat sa Cotabato Regional Medical Center si PCpl Peria dahil sa excessive bleeding.

Pinaalalahahan naman ng PNP chief ang lahat ng police units sa ground na maging alerto at mapagmatyag laban sa mga kriminal at teroristang grupo sa gitna ng pagtiyak na mananatili ang kanilang “momentum” sa pagtugis sa mga kalaban ng gobyerno sa kabilang ng pandemya.