-- Advertisements --

Iginiit ni Akbayan Rep. Chel Diokno na masyado pang maaga upang sabihin kung sino ang nanalo o natalo sa impeachment trial, dahil unang araw pa lamang ng paglilitis at mga paunang usapin pa lamang ang natalakay.

Ayon kay Diokno, hindi dapat ibatay ang paghusga sa mga naging pangyayari sa unang araw ng impeachment trial, dahil ang mahalaga ay ang mga ebidensyang ihaharap sa mga susunod na araw ng paglilitis.

Sinabi niyang ang tunay na sukatan ng kaso ay kung mapatutunayan ng prosekusyon ang mga nakasaad sa Articles of Impeachment.

Binigyang-diin din ni Diokno ang naging pahayag ng presiding officer ng impeachment court na handa ang prosekusyon na patunayan ang lahat ng alegasyong nakasaad sa reklamong impeachment.