-- Advertisements --

Nagdudulot ng lalong pangamba at pagkatakot sa mga mangingisda ang panibagong tensyon sa West Philippine Sea .
Kasunod na rin ito ng panibagong insidente ng pagbangga ng barko ng China Coast Guard at Chinese militia vessel sa mga barko ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) habang nagsasagawa ng resupply mission para sa ating mga sundalo sa Ayungin Shoal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pablo Rosales, National Chairperson ng Pangisda Pilipinas sinabi nito na muli na namang nabalot ng takot ang mga mangingisda sa bansa sa banta ng China. Naniniwala si Rosales na maaring ikinagalit at gumaganti ang china.

Aniya, lumalabas na nagalit ang China sa ginawang aksyon ng pamahalaan kamakailan, na kung saan ay inalis ng mga otoridad ang floating barrier na na nilagay sa kahabaan ng Scarborough Shoal upang hindi makapangisda sa lugar ang mga mangingisdang Pinoy.

Dagdag pa niya, sa pinakabagong insidente ay muli na namang nagparamdam ng banta ang mga ito dahil sa inilagay na blocking maneuvers ng Chinese Coast Guard vessel sa Armed Forces of the Philippines.

Binigyang diin ni Rosales na kung ang Philipiine Coast Guard ay kinakaya na ng mga Chinese Coast Gurad, paano pa kaya silang mga maliliit na mangingisda. Ito aniya ay pagpapakita ng agresibong pang angkin ng China sa teritoryo ng Pillipinas.