-- Advertisements --
Fishport Mati MATI CITY LGU

Binuksan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang panibagong fish port sa Davao Region.

Ang naturang pasilidad ay itinayo sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority Acting Manager Glen Pangapalan, napaka-strategic ang naturang lugar dahil sa ito ay matatagpuan sa eastern seaboard ng bansa.

Ito aniya ay itinuturing na tuna highway sa Pilipinas kayat posibleng lalo pang tataas ang produksyon ng isda sa naturang rehiyon, lalo na sa capture fishing.

Umapela naman ang opisyal sa mga mangingisda na gamitin ang panibagong pasilidad, at ingatan, lalo na at malaki ang potensyal nito sa pagpapa-angat ng fishing industry sa Pilipinas.

Ang panibagong fishing port ay bahagi lamang ng pagnanais ng Philippine Fisheries Development Authority na maparami pa ang bilang ng mga fish port sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, ang mga fishing port ay matatagpuan sa Sorsogon; Pangasinan; General Santos; Davao; Zamboanga; Quezon Province; Iloilo; at sa lungsod ng Navotas.