-- Advertisements --
image 411

Nakatakdang magpatupad ng panibagong departure protocols ang Inter-Agency Council Against Trafficking para sa mga Pilipinong bumabyahe abroad sa unang bahagi ng buwan ng Setyembre.

Ito ay matapos ang ilang mga reklamong natatanggap ng mga kinauukulan hinggil sa mga missed flights ng ilang mga pasahero nang dahil sa napakahabang interview sa kanila ng mga Immigration officers.

Kabilang na rito ang kamakailan lang na insidente kung saan hinanapan pa ng yearbook o graduation photo ng Immigration officers ang isang pasahero sa gitna ng kanilang interview.

Ayon sa naturang council, layunin ng revised guidelines na ito na bigyang linaw ang ang mga dokumentong dapat dalhin ng mga departing passengers upang makapasa sa pagsisiyasat ng mga Immigration officers na nagbabantay sa mga potential trafficking victims.

Kabilang sa mga requirements na kinakailangan sa panibagong guidelines ay ang mag sumusunod:

-passport valid for at least 6 months from the date of departure
-appropriate valid visa, whenever required
-boarding pass
-confirmed return or roundtrip ticket, whenever necessary

Kasabay nito ay nagpaalala ang council na ang mga Pilipinong babiyahe patungong abroad ay dadaan sa primary inspection kung saan tatanungin sila ng mga immigration officers ng mag relevant clarficatory questions, at irerequire din na magsumite ng kanilang mga dokumento.

Sa stage na ito ay posibleng marefer sa secondaru inspection ang isang indibidwal sa oras na hindi makapasa sa primary inspection.

Ang anumang misrepresentation, at kaduda-dudang mga dahilan o purpose ng kanilang pagbyahe, gayundin ang mga hindi sapat na dokumento ay maaaring magresulta sa deferral ng departure ng isang indibidwal.

Ang mga Potential trafficked passengers naman ay haharap din sa IACAT-Anti-Trafficking Task Force habang ang kanilang mga kuwestiyonableng dokumento ay ibibigay sa mga law enforcement agencies o sa Department of Foreign Affairs-Office of Consular Affairs.

Ang mga hakbang na ito ay layuning masawata ang human trafficking sa bansa at pagkakaaresto sa mga illegal recruiter sa Pilipinas