Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 hanggang 2018.
Ito ang sinabi ni Lawyers for Commuters Safety and Protection president Atty. Ariel Inton, makaraang matuklasan na hindi naisaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito.
Natuklasang na-freeze ng bangko sa Ortigas ang P180 million na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc.
Bunsod nito, naantala na naman ang delivery ng mga plaka.
Ang freeze order ay napagpasyahan ng bangko base lamang sa isang sulat galing sa nagpapakilalang presidente ng kompaniya.
Pero ang nagpakilalang pinuno ng OMI- JKG Philippines Inc. ay wala na palang kapangyarihan dahil nag-take over na ang grupo ng isang Annabelle Arcilla sa pamamagitan ng isang Deed of Assignment.