-- Advertisements --
humanitarian trucks in gaza

Nakapasok na sa Gaza City ang panibagong 17 convoy ng trak na may kargang humanitarian aid para sa mga biktimang naipit sa gera sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Ito ay sa gitna ng mas pinalakas pang pag-atake ng Israel sa mga lugar na mayroong Palestino at militanteng grupong Hamas.

Ayon sa United Nations, nasa humigit-kumulang 100 trak araw-araw ang kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng 2.4 million na mga residente sa Gaza City dahil sa kalunos-lunos na sitwasyon doon ngayon.

Sa harap ito ng mga pangambang mauubos na ang mga suplay ng pagkain at gasolina sa loob ng tatlong araw.

Samantala, kaugnay nito ay nagbabala naman ang UNICEF sa panganib na kinakaharap ng nasa 120 mga bagong panganak na mga sanggol sa mga incubator sa oras na magkaubusan na suplay ng mga ito sa nga teritoryong apektado ng nangyayaring digmaan.